ALAMIN: Rollback ng mga kumpanya sa oil products ngayong linggo

By Rhommel Balasbas October 28, 2018 - 05:27 AM

Sa ikatlong sunod na linggo ay may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Nag-anunsyo na ng kanilang tapyas-presyo ang ilang mga kumpanya.

Buena mano ang Phoenix Petroleum na may P1.65 na bawas sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman sa kada litro ng diesel epektibo simula alas-6:00 ng umaga kahapon.

Samantala, nag-anunsyo na rin ang Petro Gazz at Seaoil ng kahalintulad na price rollback pero magiging epektibo ito pagpatak hating-gabi ng bukas, October 29.

Ang Flying V at Petron naman ay may bawas na P1.50 sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa diesel at P0.65 sa gaas.

Epektibo ang rollback ng dalawang kumpanya alas-6:00 pa bukas, araw ng Lunes.

Dahil sa tatlong sunud-sunod na linggong rollback, umabot na sa P4.45 ang nabawas sa presyo ng gasolina habang P2.10 naman sa diesel.

Ang paggalaw na ito sa presyo ng oil products ay dahil sa pagbaba ng presyo sa World Market.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.