Seguridad ng mga pasahero para sa Undas, titiyakin ng PCG

PCG photo

Magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng istriktong seguridad para sa Undas.

Ayon sa PCG, layon ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018” ang mahigpit na security measures sa lahat ng pantalan at ferry terminals sa buong bansa bilang paghahanda sa All Saint’s Day at All Soul’s Day.

Simula sa Miyerkules, October 31 ay ipapatupad na ang mahigpit na seguridad para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon kay PCG commandant admiral Elson Hermogino, magsasagawa ang kanilang mga units ng inspeksyon sa mga pasahero at kanilang mga bagahe.

Magkakaroon anya ng regular random checks ang coast guard K9 para sa maayos, ligtas at komportableng biyahe sa karagatan.

Pinayuhan naman ng PCG ang mga pasahero na maagang dumating sa mga pantalan 3 oras bago ang departure time.

Paalala pa ng ahensya sa mga pasahero, huwag magdala ng mga delikadong gamit gaya ng baril, paputok, patalim at iba pang flammable at poisonous substance.

Aagapay ang PCG sa mga pasahero sa pamamagitan ng kanilang passenger assistance center booth sa mga seaports.

Read more...