Net trust rating ni Pangulong Duterte sa Q3 ng 2018 tumaas ayon sa SWS

Tumaas ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong kwarter ng 2018 at nanatili sa very good margin batay sa pinakabagong Social Weather Stations survey.

Ayon sa SWS survey, umakyat sa +62% ang net trust rating ng pangulo, limang puntos na mas mataas kumpara sa nakalipas na kwarter na +57%.

Nakasaad din sa survey na 74% ng respondents ang may malaking tiwala kay Pangulong Duterte.

Ang pagtaas ng net trust rating ng pangulo ay bunsod ng pagtaas ng ratings sa Metro Manila at Balance Luzon kung saan naitala ang 9 points at 10 points increase.

Ginawa ng survey mula September 15 hanggang 23 sa 1,500 respondents.

Mula noong mailuklok sa pwesto ang pangulo, hindi pa bumaba mula sa ‘very good’ ang rating ng pangulo.

Sa siyam na surveys na ginawa ng SWS mula 2016, lima ang ‘excellent’ at apat ang ‘very good’ kung saan ang average net trust rating pangulo ay +68 o nasa klasipikasyong ‘very good’.

Read more...