Lapeña matagal na dapat sa Tesda ayon kay Panelo
Nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na matagal na ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing pinuno ng Technical Educational and Skills Development Authority (Tesda) si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Sinabi ni Panelo na matagal na rin namang nakapag-paalam sa pangulo si dating Tesda Secretary General Guilling Mamondiong dahil sa plano nitong pagtakbo bilang gobernador sa Lanao Del Sur.
Binigyang-diin pa ni Panelo na nananatiling buo ang tiwala ng pangulo kay Lapeña.
Nauna nang sinabini Lapeña na nagpapasalamat siya sa pangulo na ginawang paglilipat sa kanya sa Tesda na isang cabinet position.
Magugunitang inulan ng batikos si Duterte mula sa kanyang mga kritiko dahil imbes umano na sibakin ay na-promote pa sa cabinet level ang opisyal.
Si Lapeña ay naipit sa kontrobersiya makaraang makalusot mula sa BOC ang ilang shipment ng illegal drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.