Si Uy ay anak ng tinaguring “drug queen” na si Yu Yuk Lao na kasalukuyang nakakulong dahil sa pagiging dealer ng iligal na droga.
Nauna dito ay pinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court Branch 49 si Uy na nahaharap sa kasong drug trafficking.
Noong nakalipas na taon ay sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ni Uy na ilang metro lamang ang layo mula sa Malacañang.
Sa nasabing raid ay nakakumpiska ang mga tauhan ng PDEA ng shabu mula sa aparador at cabinet ni Uy.
Pero sa desisyon, sinabi ng hukuman na may isang oras na palugit ang ilang PDEA agents na magtanim ng shabu sa bahay ng suspek bago ang aktuwal na raid.
Kinatigan ng hukuman ang pahayag ni Uy na hiningan umano siya ng P500,000 ng mga ahente ng PDEA para di gawin ang pagsalakay at nangs siya’y tumanggi ay isinagawa umano ang pekeng raid.
Labis naman na ikinadismaya ni Barbers ang nasabing pahayag ng hukuman na ayon sa mambabatas ay sa pelikula lamang pwedeng mangyari.