Pangulong Duterte, ikinatuwa re-opening ng Boracay

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbubukas ng isla ng Boracay matapos ang anim na buwan na rehabilitasyon nito ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Aniya ang Boracay ay isang aral ng political will na ipinakita ni Pangulong Duterte at isang aral din ng pagpapabaya ng mga opisyal ng pamahalaan na nakakasakop sa lugar.

Ayon kay Panelo hindi magiging cesspool ang isla kung nagkaroon ng political will ang mga opisyal at kung sumunod lang ang iba pang mga stakeholders sa mga batas at mga regulasyon na ipinatutupad ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Dagdag ng kalihim na kinailangan ng matibay na pamumuno ni Pangulong Duterte para maisaayos ang isla.

Kinakailangan aniya na ang lahat ay matuto sa mga aral mula sa isla para ang Boracay para maging isang magandang atraksiyon hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

Kanilang pinupuri din ang naging pagtutulungan ng ibat-ibang kagawaran sa rehabilitasyon ng isla at ang naging pasensya at kooperasyon ng lahat.

Read more...