Panawagang resign para sa Pangulo, minaliit ng Malacañang
Nanindigan ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang basehan ang paratang ng mga militanteng grupo na tinawag niyang mga komunista sa kanilang bagong panawagan na pagbaba sa pwesto ng pangulo.
Sinabi ni Sec. Salvador Panelo na ginagamit lamang ng Kilusang Mayo Uno, Anakpawis at iba pang front organization ng CPP-NPA ang Sagay massacre issue para mapansin ng publiko.
Ipinaliwanag ni Panelo na mas may dapat ipaliwanag ang komunistang grupo dahil sila ang itinuturong suspek sa naganap na Sagay massacfe na ikinamatay ng ilang mga magsasaka.
Ang mga kaso ng pagpapatay na ibinibintang sa militar ay hindi na rin bago ayon sa kalihim dahil matagal na itong laman ng propaganda materials na pinaglumaan na ng panahon tulad ni CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison.
Bukod sa gawa-gawang mga bintang, binatikos rin ni Panelo ang paggamit ng CPP-NPA sa mga mag-aaaral sa kanilang mga kilos-protesta.
Dapat rin umanongh magising ang sambayanan na ang lahat ng mga ginagawa ng mga militanteng grupo na mga kilos-protesta ay isinasabay naman sa mga pag-atake ng kanilang mga kasamahan na miyembro ng NPA partikular na sa mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.