P6-M halaga ng shabu kumpiskado sa Cebu

Cebu Daily News

Higit sa P6 Million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa isang anti-drug operation sa Guadalupe Cebu City Biyernes ng gabi.

Naaresto sa nasabing operasyon ang drug suspect na nakilalang si Jomarie Castro, 24-anyos at residente ng Sitio Kalubihan, Barangay Kalunasan.

Samantala, isa pang drug suspect ang naaresto sa operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Pardo Police Station sa isang bahay sa Barangay Poblacion Pardo, Cebu City dakong alas-3:00 Sabado ng madaling araw.

Naaresto sa nasabing operasyon ang drug suspect na kinilalang si Mark Alger Romarate, 26-anyos. Nakuha kay Romarate ang nasa P3.8-milyon na halaga ng mga hinihinalang shabu.

Read more...