Annual healing period ipinanukala para sa Boracay

Photo: Isa Umali

Isang araw makaraang ang reopening ng Boracay sa publiko ay iminungkahi ang pagsasagwa sa isla ng annual healing period.

Ipinaliwanag ni Interior Sec. Eduardo Año na sa ibang bansa ay ginagawa ang periodic rest o healing period sa mga beach.

Layunin nito na maibalik sa maayos na kundisyon hindi lamang ang tubig kundi ang buong kapaligiran ng isla.

Binanggit rin ng opisyal na pabor sa panukala pati ang ilang mga business owners sa Boracay.

Base sa pag-aaral ng iba’t ibang mga ekperto ay kailangan talaga ng Boracay ng self-rahabilitation ayon pa kay Año.

Sa panig ng mga negosyante ay sinabi ni Compliant Association of Boracay president Fiona Molina kinikilala nila ang katotohanan na napabayaan sa matagal na panahon ang isla.

Pero pakiusap nya sa opisyal, baka pwedeng hanggang dalawang linggo lamang isagawa ang annual healing period.

Read more...