Suspek na nagpadala ng bomba kina Obama at Clinton arestado na
Naaresto na ang nasa likod ng pagpapadala ng mail bomb sa ilang mga pulitiko at mga personalidad sa Estados Unidos.
Naaresto ang 56-anyos na suspek na si Cesar Altieri Sayoc sa parking lot ng isang shopping center sa Plantation, Florida.
Kinumpiska rin ng otoridad ang van ni Sayoc na balot ng mga political stickers.
Nabatid na may mga criminal records ang suspek na kasalukuyang naninirahan sa Aventura, Florida.
Kabilang sa umano’y mga kaso nito ay theft, fraud at bomb threat.
Nang suriin naman ang online record nito ay may nakalagay na ang kanyang trabaho ay ang pagiging promoter at booking agent.
Inihayag din nito na may kaugnayan siya sa isang Col. Baltazar Zook Sayoc na kanya umanong grandfather o lolo sa Pilipinas.
Sinasabi din ng suspek na ang kanyang pamilya ay kaanak ng mga kilalang tao na nagpapatayo ng mga ospital sa Pilipinas.
Natunton si Sayoc ng Federal Bureau of Investigation (FBI) nang suriin ang fingerprints sa packages na ipinadala nito kay Congresswoman Mazine Waters.
Ilan sa mga pinadalhan ni Sayoc ng mga packages si dating Pangulong Barack Obama, Hillary Clinton, John Brennan at ang aktor na si Robert De Niro.
Ang suspek ay nahaharap sa 58 taon na pagkabilanggo at maaaring madagdagan oras na matapos ang imbestigasyon sa kanya.
Ilan sa mga pinadalhan ni Sayoc ng mga packages si dating Pangulong Barack Obama, Hillary Clinton, John Brennan at ang aktor na si Robert De Niro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.