5 milyong Pinoy nag-alay ng dasal sa heart relic ni Padre Pio
Makasasayan ang 21 araw na pagbisita ng heart relic ni Padre Pio sa bansa.
Ayon kay Fr. Jojo Gonda, rector ng National Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, umabot sa limang milyong deboto ang dumagsa para masilayan at makapag-alay ng dasal sa relic ng santo.
Dahil dito, ito na ang sinasabing largest relic visit event sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.
Ang Pilipinas ang ikaapat na bansa na binisita ng heart relic ni Padre Pio.
Ayon sa Superior ng Franciscan Capuchin Community of San Giovanni Rotondo na si Fr. Carlo Laborde, mainit ang pagtanggap sa heart relic ni Padre Pio sa mga binisita nitong bansa ngunit kakaiba ang sa Pilipinas.
Walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Laborde dahil sa nasaksihang dagsa ng mga deboto sa mga lugar na inikutan ng relic sa bansa.
Giiit ng Italyanong pari, ang pagpunta niya sa Pilipinas ay isang karanasan sa hindi matatawarang pananampalataya.
Matatandaang lumibot ang relic sa Sto. Tomas at Lipa, Batangas, Maynila, Cebu at Davao.
Isang farewell mass ang ginanap kahapon sa National Shrine na pinangunahan ni Cardinal Orlando Quevedo.
Sa ngayon ay pabalik na ang relic sa Italya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.