Halos 422,000 sumuway sa local ordinances – NCRPO
Umabot na sa 422,238 na katao ang naaresto sa Metro Manila dahil sa mga paglabag sa mga local ordinances ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.
Ayon sa datos ng NCRPO mula June 13 hanggang kahapon, October 26, umabot sa 126,266 ang mga naaresto dahil sa paninigarilyo sa non-smoking areas; 28,292 ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas; 27,197 ang menor de edad na lumabag sa curfew hours habang 19,320 ang nahuli dahil sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Ang Quezon City Police District pa rin ang top performer kung saan nahuli ang 243,817 katao na 57.74 ng kabuuang bilang sa Metro Manila.
Sinundan ito ng Eastern Police District na may 89,929 violators, Manila Police District na may 38,608, Southern Police District, 28,447 habang pinakakaunti ang nahuling lumabag sa Northern Police District sa 21,438.
Nilinaw naman ni Eleazar na ang mga lumalabag ay pinakakawalan naman agad matapos magmulta o ang iba’y ikinokonsidera ang kalagayan.
Ang mas istriktong implementasyon ng local ordinances ay bahagi ng pagpapanatili ng NCRPO ng peace and order sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.