San Beda pasok sa NCAA finals sa ika-13 taon

Sa ika-13 sunud-sunod na taon ay umabante na naman ang San Beda sa championship ng NCAA men’s basketball tournament makaraang talunin ang Perpetual Help sa iskor na 83-72 sa kanilang laban kahapon sa Filoil Flying V Center.

Susubukan ng Red Lions na masungkit ang kanilang ikatlong sunud-sunod na championship title at pang-22 sa kabuuan.

Naniniwala si San Beda head coach Boyet Fernandez na hindi pa tapos ang trabaho ng kanyang koponan at kailangan pa nilang tuparin ang pangarap ng Bedan community para sa kanila na makasungkit muli ng kampeonato.

Nanguna para sa Red Lions si Robert Bolick sa kanyang 23 points, four rebounds at six assists.

Habang may tig-16 na puntos naman sina Jelo Razon at Rey Peralta para pangunahan ang Perpetual Help Altas.

Makakaharap ng San Beda ang Lyceum Pirates para sa championship series na kanila na ring nakaharap noong nakaraang taon.

Ang Game 1 ng best-of-3 final series ay magsisimula na sa November 6.

Read more...