Johnny Depp hindi na gaganap bilang Captain Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean

AP Photo

Natapos na ang pagganap ni Johnny Depp bilang Captain Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean.

Inanunsyo ng writer ng pelikula na si Stuart Beattie na hindi na gaganap na Jack Sparrow si Depp sa susunod na franchise ng pelikula.

Sinabi ni Beattie na hindi matatawaran ang naging pagganap ni Depp sa karakter na minahal maging ng mga bata.

Dagdag pa ni Beattie, magsisilbi nang legacy ni Johnny Depp ang pagiging isang “Captain Jack Sparrow” na madalas ay bitbit niya pa ang karakter kapag bumibisita sa mga batang may sakit.

Una nang napabalita na susubuking i-reboot ang susunod na franchise ng pelikula at kinakausap umano ng Disney ang mga manunulat na sina Rhett Reese at Paul Wernick na kapwa nagtrabaho para sa “Deadpool” movies.

Unang lumabas si Depp bilang Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean: The Curse of the Black Pearl” noong 2013 at nasundan pa ito ng apat na Pirates movies.

Ang huli ay noong May 2017 na “Pirates of the Caribbean: Dead Man Tell No Tales”.

Read more...