Panahon ng Amihan opisyal nang idineklara ng PAGASA
Idineklara na ng PAGASA ang pagpasok ng Amihan season o Northeast Monsoon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, sa mga susunod na buwan lalakas na ang hangin na magmumula sa mainland Asia.
Ito ang magpapalamig ng temperatura bansa lalo na sa malaking bahagi ng Luzon at sa Visayas.
Samantala, ang Typhoon Yutu na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay huling namataan sa 1,815 kilometers East ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pakanluran sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Sa October 30, araw ng Martes ay maaring tumama sa kalupaan ang bagyo.
Mananatili din ito sa typhoon category sa susunod na limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.