Malakanyang nilinis si Lapeña sa isyu ng shabu smuggling
Nilinis ng Malakanyang si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña mula sa pagkakadawit nito sa smuggling ng P6.8 billion na halaga ng shabu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinaninindigan ng Malakanyang ang naunang pahayag na mga sindikato ng ilegal na droga na kasabwat ng mga kurap na empleyado ng BOC ang nasa likod ng paninira kay Lapeña.
Sinabi ni Panelo na hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na ang BOC ay maituturing na “corrupt-infested bureau” kahit sa mga nagdaan pang administrasyon.
Ani Panelo sa panunungkulan ni Lapeña sa BOC nagawa niyang magpatupad ng mga reporma sa ahensya.
Ito aniya ang dahilan kaya nakitaan ng malaking pagtaas sa revenue collection ng BOC na madalas ay nahihigitan pa ang target.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.