Pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon para sa CJ post tinapos na ng JBC
Natapos na ang pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon para sa magiging susunod na chief justice ng Korte Suprema.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na ex-officio member din ng Judicial and Bar Council (JBC), sa pagsasara ng pagtanggap ng nominasyon ay mayroon lamang limang, aspirante.
Kabilang dito sina Supreme Sourt Associate Justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes.
Ang posisyon bilang punong mahistrado ng Korte Supreme ay nabakante noong October 10, 2018 matapos magretiro na si dating Chief Justice Teresita De Castro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.