‘Tokhang’ itinanghal na Salita ng Taon sa Sawikaan 2018
Ang salitang ‘Tokhang’ ang hinirang na Salita ng Taon sa ginanap na “Sawikaan 2018: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon” sa University of the Philippines Diliman (IPD) sa Quezon City.
Labingisang salita ang pinagpilian para sa idedeklarang Salita ng Taon, kabilang ang Dengvaxia, Dilawan, Federalismo, Quo Warranto, TRAIN, Resibo, DDS, Fake News, Foodie, at Troll.
Ang “Tokhang” ay hangi sa kampanya ng Philippine National Police kontral ilegal na droga kung saan, kumakatok ang mga otoridad sa mga bahay para hikayatin ang mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga na sumuko.
Nagtamo naman ng ikalawang gantimpala ang ‘fake news’ at ikatlong gantimpala naman ang ‘dengvaxia’.
Ang isang salita ay napapasama bilang nominado sa Salita ng Taon kung ito ay isang dati nang salita na binigyan ng bagong pakahulugan, isang bagkong likhang salita, salitang hinango sa dayuhang wika o di kaya ay salitang muling ginamit matapos matagal na hindi na nagamit.
Sa mga nagdaang taon, kabilang ang mga salitang huweteng, lobat, jejemon, wangwang, selfie at fotobam sa mga itinanghal bilang Salita ng Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.