Mga senador may kani-kaniyang opinyon sa promosyon kay Lapeña

By Jan Escosio October 26, 2018 - 05:08 PM

Nanghihinayang si Senator Ping Lacson sa pagkakasibak kay Isidro Lapeña bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC) sa katuwiran na maganda naman ang ipinapakita nito.

Paniwala ni Lacson ipinahamak lang siya ng ilan sa kanyang mga tauhan kaugnay sa pagkakapuslit ng P11 bilyong halaga ng shabu sa Cavite.

Ipinakita rin aniya ni Lapeña na hindi nito kinukunsunti ang sinoman sa usapin sa kampaniya kontra droga.

Umaasa na lang ang senador na mahihigitan pa ni incoming Customs Comm. Rey Guerrero ang mga nagawa ni Lapena sa kawanihan,.

Samantala, pinuna naman ni Sen. Joel Villanueva ang pagkakalipat lang kay Lapeña sa TESDA dahil para sa kanya pagpapakita ito ng kakulangan ng pananagutan sa panig ng administrasyong-Duterte.

Para naman sa mga minority senators, dapat ay tuluyang sinibak na sa gobyerno si Lapeña dahil sa kapabayaan sa kanyang tungkulin.

Sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan kapag hindi naparusahan ang pagpapaya at katiwalian lalala lang ang problema sa gobyerno.

Ayon naman kay Sen. Antonio Trillanes IV kilala ni Lapeña at ni dating Customs Comm. Nicanor Faeldon ang mga utak sa dalawang insidente ng shabu smuggling sa ilalim ng kanilang pamumuno sa kawanihan.

Aniya ang paglipat lang sa puwesto sa dalawa ay pabuya lang sa kanilang katapatan at pananahimik.

Para naman kay Sen. Risa Hontiveros kalokohan lang talaga ang war on drugs ng gobyerno at pinatunayan lang muli na ang administrasyon ay ‘recycling bin’ ng mga inutil na mga opisyal.

TAGS: Bureau of Customs, isidro lapena, Bureau of Customs, isidro lapena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.