Paniniwala ng nakararaming Pinoy na nasa tamang direksyon ang bansa, magsisilbing inspirasyon sa Malakanyang
Welcome sa Malakanyang ang resulta ng 3rd Quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumitaw na maraming Pioy ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang naturang survey result ay sumasalamin sa tiwala at kumpiyansa ng taumbayan sa pangulo.
Patunay din aniya itong naniniwala ang marami na ang mga polisiya at programa ng pamahalaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay nasa tamang direksyon.
Sinabi ni Panelo na magsisilbi itong inspirasyon sa gobyerno para ipagpatuloy ang tapat at maayos na paninilbihan sa bansa.
Sa naturang survey lumitaw na 75% ng mga adult Filipinos ang naniniwalang tama ang direksyon na tinatahak ngayon ng bansa sa ilalim ng pamumuni ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.