Paparating na ng bansa ang dalawa pang bagong Fast Patrol Boat (FPB) na gagamitin ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang dalawang patrol boat na tatawaging “BRP Kalanggaman” at “BRP Malamawi” ay naisakay na ng cargo vessel sa Saint Nazaire, France at nakatakda nang ibiyahe.
Darating ng bansa ang dalawang bagong barko sa huling linggo ng Nobyembre.
Noong Oct. 15, 2018 nauna nang dumating sa bansa ang dalawang bagong fast boat ng coast guard na “BRP Boracay” at “BRP Panglao”.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagbuo sa isang Offshore Patrol Vessel (OPV270) shipyard sa France.
Idedeliver naman ito sa Pilipinas sa August 2019 at tatawaging “BRP Gabriela”.
READ NEXT
Bagyong Yutu patuloy na lumalapit sa bansa; storm warning signal itataas ng PAGASA sa Isabela at Cagayan sa Lunes
MOST READ
LATEST STORIES