Respondents sa reklamong illegal detention ni Isaias Samson, no show sa DOJ
Hindi nakadalo sa ng pagdinig sa Department of Justice ang kampo ng mga respondent sa reklamong serious illegal detention na inihain ni Isaias Samson, dating ministero ng Iglesia ni Cristo
Tanging sina Samson at ang myembro ng kanyang pamilya, pati na ang kanilang abugadong si Atty. Trixie Angeles ang nakadalo sa pagdinig.
Pasado alas dos na ng hapon nang magsimula ang pagdinig, pero dahil hindi pa nakakarating ang mga respondent, minarapat ng panel of prosecutors na suspindijin ang pagdinig at maghintay pa ng sampung minuto sa pag-asam na may sisipot mula sa mga respondent.
Nang ituloy ang pagdinig, wala pa ring sumipot sa mga respondent na pawang matataas na opisyal ng Sanggunian ng INC.
Personal namang pinanumpaan nina Samson ang kanilang mga complaint affidabit sa harap ng panel of prosecutors na kinabibilangan nina Assistant State Prosecutors Mark Estepa at Olivia Torrevilla.
Samantala, kasama rin sa dininig ang reklamong arbitrary detention na inihain ni Dr. Jose Norilito Fruto laban sa ilang opisyal ng INC na nag-ugat sa umano’y iligal na pag-aresto sa kanya sa Caloocan nuong July 14.
Nagpasya naman ang panel of prosecutors na ideklarang submitted for resolution ang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.