Bagyong Yutu patuloy na lumalapit sa bansa; storm warning signal itataas ng PAGASA sa Isabela at Cagayan sa Lunes
Nasa labas pa rin ng bansa ang bagyong Yutu at may lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 220 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga, Sabado, Oct. 27, inaasahang papasok na ng bansa ang bagyo at papangalan itong Rosita.
Nagbabanta itong manalasa sa Northern Luzon at sa eastern section ng Central Luzon sa pagitan ng araw ng Martes (October 30) at Miyerkules (October 31).
Mula sa Lunes, October 29 maaring magtaas na ng Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) sa Isabela at Cagayan area.
Simula kasi sa Lunes maaring makaranas na ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang Northern at Central Luzon dulot ng nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.