Sister Fox binigyan ng temporary visitor’s visa ng BI

INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

Matapos tuluyang makansela ang kaniyang missionary visa, binigyan na lamang muna ng temporary visitor’s visa ng Bureau of Immigration (BI) si Sister Patricia Fox.

Batay sa order ng BI, ang temporary visitor status ay tatagal ng 59 na araw lamang.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, ibinaba ang visa status ni Fox matapos na ibasura ang kaniyang kahilingang mapalawig ang kaniyang missionary visa.

Nakabinbin pa ngayon ang apela ni Fox sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kaniyang deportation.

Read more...