WATCH: Passenger ferry na biyaheng Metro Manila patungong Cavite target ng DOTr
By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2018 - 09:47 AM
Target ng Department of Transportation (DOTr) na makapaglunsad ng passenger ferry na bibiyahe mula Metro Manila patungo ng Cavite.
Ito ay upang mabigyan ng opsyon ang mga commuters sa ibang pamamaraan ng transportasyon.
Sinubukan na ng team mula DOTr sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade ang bumiyahe sakay ng ferry patungong Cavite.
Mula SM Mall of Asia nakarating ang team sa
Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite sa loob lamang ng 50-minuto.
Dagdag na 15-minuto naman ang biyahe patungo sa Sangley Point.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.