Sa kabila ng insidente ng mail-bomb plot, New York City nananatiling ligtas ayon sa mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2018 - 08:59 AM

NYPD Photo

Nananatiling ligtas ang New York sa kabila ng sunud-sunod na pagpapadala ng packages na may lamang bomba.

Umabot na sa 10 package na bahagi ng mail-bomb plot ang naitala ng gma otoridad sa Washington kabilang ang ipinadala sa CNN, naka-address kay Vice Pres. Joe Biden at sa aktor na si Robert De Niro.

Ayon kay James O’Neill ng New York City Police Department, walang dapat ipag-alala ang mga residente.

Aniya walang anumang banta sa seguridad sa New York.

Mahigpit na rin aniya ang ipinatutupad na seguridad ng mga otoridad para maharang ang mga kahina-hinalang bagahe.

Sa Time Warner Center Mall sa Manhattan, isang abandonadong bagahe ang agad sinuri ng mga otoridad matapos makita na iniwan ito sa bahagi ng mall.

Ayon sa New York Police Department, matapos masuri, ay ligtas naman ang naturang bagahe.

Magpapatuloy aniya ang ganitong paghihigpit lalo na kapag may nakitang mga kahina-hinalang bagahe o indibidwal.

 

TAGS: Bomb Plot, New York, nypd, Bomb Plot, New York, nypd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.