Magkapatid hinalay ang isang Gr. 11 student sa Malabon; isa arestado

By Jong Manlapaz October 26, 2018 - 08:26 AM

Lumuluhang dumulog ang isang grade 11 student sa himpilan ng pulis sa Malabon, matapos siyang halayin ng magkapatid.

Itinago sa pangalang “Jessa” ang biktima na 18-anyos.

Itinuro niya ang magkapatid na Roan Jay Sta. Maria at Romel Sta. Maria ng Brgy. Lbaba, Malabon City.

Agad namang nagkasa ng follow up operation ang Malabon police dahilan para maaresto ang isa sa mga suspek.

Hawak naman ng Department of Social Welfare and Deparment (DSWD) ang biktima habang nakakulong na sa Malabon police station ang naarestong suspek at patuloy na pinaghahanap ang isa pa.

TAGS: Malabon, Radyo Inquirer, rape case, Malabon, Radyo Inquirer, rape case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.