18 katao patay sa flash flood sa Jordan

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2018 - 06:43 AM

Photo: Al Riyadh Daily

Patay ang 18 katao karamihan ay mga estudyante sa flash flood na naganap sa Jordan.

Nasa outing ang mga bata kasama ang kanilang mga guro nang biglang rumagasa ang tubig mula sa dead sea at sila ay inanod.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga nasawi ay bata na edad 14 pababa.

Umabot naman sa 34 na katao ang nailigtas sa isinagawang operasyon na pawang isinugod sa ospital.

Nagpadala na ng search and rescue helicopters ang Israel para tumulong sa paghahanap sa mga nawawala pa.

TAGS: flash flood, Jordan, Radyo Inquirer, flash flood, Jordan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.