Nasa 4 na milyong Pinoy bibisita sa mga sementeryo sa Undas – NCRPO
Higit apat na milyong Filipino ang inaasahang bibisita sa mga sementeryo sa Metro Manila sa November 1 ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, mula sa 3,583,765 milyong katao noong 2017 ay lalaki pa ang bilang ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong taon.
Sa Manila North at Manila South Cemeteries pa lamang ay inaasahang dadagsa ang nasa 1.5 milyong katao.
Bunsod nito ay masusi ang preparasyon ng NCRPO para tiyakin ang seguridad sa paggunita ng Undas.
Ayon kay Eleazar, 2,556 na pulis ang ipakakalat sa 78 sementeryo habang 234 naman sa 38 mga columbariums.
Maglalagay ng police assistance desks sa lahat ng trangkahan ng mga sementeryo upang tugunan ang pangangailangan ng publiko kabilang ang isyu ng kriminalidad.
Bukod dito, sisiguruhin din anya ng NCRPO ang seguridad sa 296 na bus terminals, PNR, MRT-3, LRT 1 at 2 at apat na paliparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.