Manila North Cemetery kasado na para sa Undas
Handa na ang Manila North Cemetery para sa inaasahang pagdagsa ng mga tao para gunitain ang Undas.
Taun-taon ay umaabot sa higit isang milyon ang nitatalang bilang ng bumibisita sa libingan.
Ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, hanggang October 29, araw ng Lunes na lamang maaaring maglinis at magpinta ng mga puntod.
Mula October 30 hanggang November 2 naman ay pansamantalang suspendido ang paglilibing.
Mula rin October 30 hanggang November 2 ay hindi na papayagan ang pagpasok ng mga sasakyan sa sementeryo.
Alas-12 ng tanghali ng November 1 ay bubuksan ang Gate 2 at 3 ng sementeryo.
Nagpaalala si Manila North Cemetery Director Daniel Tan sa mga bibisita sa mga puntod na bawal ang pagdadala ng mga matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, screwdrivers, at ice picks.
Bawal din ang pagdadala ng mga alagang hayop, sound system, flammable materials, pagsusunog ng basura, nakalalasing na inumin at mga bagay na may kinalaman sa sugal.
Noong nakaraang taon, bagaman maulan ay umabot sa 1.2 milyong Filipino ang bumisita sa Manila North Cemetery ayon sa Manila Police District.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.