2 menor de edad arestado sa buy bust sa QC

Contributed Photo

Arestado sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Cubao, Quezon City ang dalawang menor de edad

Pawang estudyante ang dalawa na residente ng lungsod.

Nagsilbing poseur buyer ang isang operatiba dahilan para mahuli ang dalawa.

Nakuha sa mga ito ang walong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, cellphone na ginagamit sa transaksyon at P500 na buy bust money.

Samantala, timbog din ang isang drug pusher sa isinagawang operasyon sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Sulaiman Abangad, residente ng lugar.

Nakuha mula rito ang limang sachet ng hinihinalang shabu at P200 na buy bust money.

Sa Brgy. Portrero, Malabon City naman, arestado ang isang security guard at isang babae matapos mahulihan ng droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Roland Odonzo, 47 anyos, isang sekyu at Rosanna Tarang, 41 anyos.

Parehong residente ng lugar ang mga suspek.

Nagpapatrulya lamang ang mga pulis sa baranggay nang maaktuhang may hawak ang mga suspek ng tig-isang pakete ng shabu dahilan para hulihin agad ang mga ito.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...