Lakers, nakapagtala na ng unang panalo sa NBA season ngayong taon

By Rhommel Balasbas October 26, 2018 - 04:04 AM

Matapos ang tatlong sunud-sunod na pagkatalo ay nanalo na rin sa wakas ang Los Angeles Lakers sa NBA Season ngayong taon.

Sa pangunguna ni Lebron James, wagi ang Lakers laban sa Phoenix Suns sa iskor na 131-113.

Nagtala ng 19 points, seven rebounds at 10 assists si James habang 23 points naman ang iniambag ni Lance Stephenson.

Masaya ang pakiramdaman ni James sa naging performance ng kanyang koponan na nais niya anyang maipagpatuloy sa mga susunod na laro.

Samantala, kumubra naman ng 51 puntos si Stephen Curry para pangunahan ang Golden State Warriors laban sa Washington Wizards.

Pinakain ng koponan ng alikabok ang kalaban sa iskor na 123-103.

Wagi naman ang Utah Jazz laban sa Houston Rockets sa iskor na 100-89 habang panalo ang Indiana Pacers kontra San Antonio Spurs sa iskor na 116-96.

TAGS: LeBron James, NBA, Radyo INQUIRER sports, LeBron James, NBA, Radyo INQUIRER sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.