Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nagpapakita lamang ang naturang hakbang na sinuman ay hindi makahihigit sa batas.
Ang suspensyon ni Cawaling ay bunsod ng mga reklamo dahil sa environmental issues na kinahaharap ng Boracay island na sakop ng kanyang bayan.
Sinabi ni Año na inirerespeto niya ang desisyon ng Ombudsman bilang isang independent quasi-judicial body.
Dagdag pa ng kalihim, ang kampanya ng kagawaran sa rehabilitasyon ng Boracay ay isang hamon para maipakita ang political will ng mga public officials.
Ngayong araw ay muling bubuksan ang isla ng Boracay matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.