Isinuko ng aktor na si Robin Padilla ang kaniyang mga armas sa Firearms and Explosives Office (FE) ng Camp Crame.
Personal na dinala ni Padilla ang kaniyang mga armas sa Camp Crame kasama ang kaniyang abugado.
Ayon sa aktor kailangan niyang isuko pansamantala ang dalawang M16 Armalite rifle, isang garand rifle at isang 30 caliber machine gun dahil paso na ang mga lisensiya nito.
Sinabi naman ni Atty. Rudolf Philip Jurado, abogado ni Padilla, na ayaw ng aktor ng sakit ng ulo dahil expired na ang lisensiya ng mga baril. “Nag-apply na siya ng license to own and possess firearms at habang hinihintay niya na maaprubahan ang kanyang aplikasyon ay isinuko niya muna ang mga baril,” ayon kay Jurado.
Idinagdag pa ni Jurado na nais ding magsilbing modelo ng aktor para sa iba pang nagmamay-ari ng mga baril.
Si Padilla ay nakulong na noon dahil sa kasong Illegal possession of firearms.