Pagkakalipat sa TESDA, welcome kay Lapeña

By Len Montaño October 25, 2018 - 11:06 PM

Welcome kay outgoing Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña ang paglipat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Lapeña, sinabi mismo ng pangulo na sa paglipat niya sa TESDA ay promoted siya sa Cabinet rank.

Iginagalang ni Lapeña ang paraan ng pangulo na pagpapatupad ng mga reporma sa BOC at nagpasalamat siya sa bagong pagkakataon na magsilbi.

Naniniwala ang dating Customs chief na ang bagong appointment sa kanya ay patunay na tiwala pa rin sa kanya ang pangulo sa kabila ng nakapuslit na bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa.

TAGS: BOC, isidro lapena, Pangulong Rodrigo Duterte, Tesda, BOC, isidro lapena, Pangulong Rodrigo Duterte, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.