Naniniwala ang karamihan ng mga Pilipino na nasa tamang direksyon ang bansa.
Sa September 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS), 75% ng mga Pinoy ang naniniwala na nasa “right direction” ang Pilipinas.|
Nasa 22% lang ang nagsabi na nasa “wrong direction” ang bansa habang 3% ang walang sagot.
Ang bilang ng nagsabi na nasa tamang landas ang bansa ay 5 puntos na mataas sa survey noong Hunyo kung saan 70% ang naniniwala na nasa right direction ang Pilipinas.
Ayon sa SWS, tumaas ang bilang ng mga nagsabing nasa “right direction” ang Pilipinas sa lahat ng areas kung saan pinakamataas sa Mindanao.
Para sa mga nagsabi na nasa tamang landas ang bansa ay nasa +72 ang net satisfaction sa trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte pero -3 naman ang rating sa performance ng pangulo para sa mga naniniwala na nasa “wrong direction” ang bansa.
Sinabi ng SWS na ang pagkuha sa opinyon ng publiko ay isang non-commissioned survey.