Isa pang hinihinalang bomba ang natagpuan sa New York City sa gitna ng pagtugis sa isang serial bomber na target ang high-profile Democrats.
Ang pinakahuling bomba ay naka-address sa restaurant ng aktor na si Robert De Niro. Nagsagawa ng evacuation o inilikas ang mga tao sa restaurant ni De Niro.
Wala namang sumabog sa walong bomba at walang naitalang nasugatan pero tinawag ng ilang top Democrats ang banta na umano’y simbolo ng pulitika na isinusulong ni President Donald Trump.
Tinanggal ng New York City bomb squad ang kahina-hinalang package na naka-address kay De Niro na pareho sa mga bomba na ipinadala sa ibang target.
Kabilang sa pinadalhan ng bomba si dating President Barack Obama, dating Secretary of State at presidential candidate Hillary Clinton at ang Attorney General ni Obama na si Eric Holder.
Naging target din ng bomba sina dating CIA Director John Brennan, sikat na Democratic Party donor George Soros at California Rep. Maxine Waters na kilalang kritiko ni Trump.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.