Pagkampanya ng mga tatakbo sa 2019 polls bago ang campaign period, hindi mapipigilan ng Comelec
Hindi mapipigilan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa 2019 elections na mangampanya bago pa ang simula ng campaign period.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, natanggal sa Republic Act 9369 ang rule sa premature campaigning o maagang pangangampanya.
Sa ngayon aniya, dahil wala pa sa campaign period ay walang pinagbabawal dahil free speech na maituturing ang ginagawa ng mga kandidato.
Nilinaw naman ng opisyal na ito ang dahilan kaya nais nilang maameyndahan ang batas.
Sa ngayon, tanging nagagawa ng Comelec na paraan para maiwasan na maabuso ang pre-election campaign ay ang shame campaign kung saan tinatawag nila ang atensyon ng kandidato na maagang nangangampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.