PCG, nagbabala vs kolorum na sasakyan sa Undas 2018
Muling nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasahero laban sa mga kolorum na sasakyan sa gitna ng paghahanda sa Undas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PCG Spokesperson Captain Armand Balilo na maayos na ang kanilang kampanya laban sa kolorum na mga sasakyan.
Sa ngayon aniya ay naghigpit na ang ahensya dahil ilang kolorum pa rin ang naglipana lalo na ngayong papalapit ang Undas.
Pakiusap ng opisyal sa pasahero, huwag sumakay sa mga bangka na hindi naman talaga pampasahero dahil delikado at posibleng malagay ang buhay sa panganib.
Tiniyak naman ni Balilo na nagsimula na ang PCG ng security preparation para sa kaligtasan ng mga tao na uuwi sa mga probinsya sa Undas.
Nag-deploy anya ang ahensya ng mga barko, mayroon ng response teams at ang mga safety inspectors ay nasa mga pier na.
Katuwang ang Marina at Philippine Ports Authority ay nakaalerto na ang Coast Guard para sa All Souls’ Day at All Saint’s
Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.