Mga negosyante binalaan ng DTI sa pagbebenta ng mahal na manok

By Ricky Brozas October 25, 2018 - 07:34 PM

(CDN PHOTO/TONEE DESPOJO)

Binalaan ni Trade Secretary Ramon Lopez ang mga tindera sa mga palengke sa Metro Manila na huwag tangkilikin ang mga traders na nagbebenta ng karne ng manok na wala sa retail price.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Secretary Lopez na kinakailangan naaayon sa Suggested Retail Price o SRP ang mga binibiling manok ng mga tindera sa palengke upang maipasa naman nila sa mga consumers sa murang presyo.

Nilinaw ng DTI na umaabot lamang sa P82 ang farm gate price sa bawat kilo ng manok at ang SRP nito ay umaabot sa P132.

Paliwanag ng kalihim, nakipagpulong na rin sila sa mga market master sa mga palengke sa Metro Manila upang imonitor ang mga traders na nagbebenta ng mahal mas mataas sa nakasaad sa SRP.

Giit ni Lopez na walang dahilan na magtaas ang presyo ng manok dahil mura naman sa farm gate na binibili ng mga negosyante kaya’t marapat lamang aniya na ipapasa nila sa mga nagtitinda sa palengke ng mura upang mabili naman ng mura ng mga consumers.

TAGS: dressed chicken, dti, farm gate price, lopez, traders, dressed chicken, dti, farm gate price, lopez, traders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.