Mayor ng Malay, Aklan sinuspinde ng Ombudsman

By Isa Avedaño-Umali October 25, 2018 - 05:47 PM

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension si Malay Mayor Ciceron Cawaling.

Kinumpirma ito ni DILG Sec. Eduardo Año, na nasa Boracay para sa reopening ng isla bukas.

Ayon kay Año, epektibo ngayong araw ang suspensyon kay Cawaling.

Nag-ugat ito sa mga reklamong isinampa laban sa kanya kaugnay sa umano’y pagpapabaya at mga environment problems sa Boracay, na sakop naman ng Malay, Aklan.

Si Vice Mayor Abram Sualog ang magsisilbing acting Mayor hangga’t suspendido si Cawaling.

Noong Hunyo, nagsampa ang DILG ng mga reklamong kriminal at administratibo laban sa labing pitong opisyal ng probinsya ng Aklan.

TAGS: aklan, año, biracay, cawaling, DILG, Malay, ombudsman, aklan, año, biracay, cawaling, DILG, Malay, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.