Sindikato ang nasa likod ng pag-aarmas ng mga preso sa Bilibid

By Jan Escosio November 06, 2015 - 03:25 PM

NBP gunsIsinisi ng aktor na si Robin Padilla sa pulitika ang hindi masugpo-sugpong sindikato sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Tinawag pa ni Padilla na “stupid” ang sistema ng gobyerno sa bansa kaya ang sindikato ng pag-aarmas sa bilibid ay hindi natutugunan. “Pasensiya na pero dahil sa wala akong maisip na ibang salita, eh stupid ang ating sistema,” ayon kay Padilla sa panayam matapos na magsuko ng matataas na kalibre ng baril sa PNP Firearms and Explosives Office sa Camp Crame.

Ang reaksyon ni Padilla ay kasunod ng katatapos lamang ng Oplan Galugad na isinagawa sa maximum security compound ng NBP kung saan napakaraming matataas na kalibre at mamahaling armas at mga bala ang nasabat.

Inamin ni Padilla na noong siya ay nakakulong pa ay talamak na ang pagkakaroon ng mga baril ng ilang preso.

Sinabi ni Padilla na noong panahon ni dating General Vicente Vinarao, natugunan ang problema sa Bilibid.

Gayunman, dahil sa sistema na talaga sa Pilipinas na kapag napapalitan ang presidente ay pinapalitan din ang mga nasa pwesto sa mga ahensya ng pamahalaan kahit pa maayos naman silang nagtatrabaho.

Nang maalis aniya si Vinarao sa NBP ay muling bumalik ang sindikato.

“Ibinalik ni General Vinarao ang responsibilidad ng mga namumuno sa mga pangkat kaya kapag may gumagawa ng kalokohan ang mga nammumuno ang may responsibilidad, pero nung nawala si Vinarao, bumalik ang sindikato,” ayon kay Padilla.

Magugunita na nahatulan ng 21 taong pagkakakulong si Padilla dahil sa kasong illegal possession of firearms noong taong 1994.

TAGS: Syndicate behind firearms and ammunition inside bilibid, Syndicate behind firearms and ammunition inside bilibid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.