Kauna-unahang “landport” sa bansa bubuksan ni Duterte
Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa November 5.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang nasabing kauna-unahang “landport” sa bansa ay isang multi-modal terminal para sa mga bus na may byahe papunta at pabalik mula sa Cavite, Batangas at ilan pang lugar sa Southern Luzon.
Ipinaliwanag ni DOTr Sec. Art Tugade na maikukumpara sa isang airport ang mga pasilidad ng nasabing tranport terminal.
Layunin ng pagtatayo ng PITX na bigyan ng makabago at kumportableng land transport terminal ang mga byahero lalo na yung mga papunta sa mga lalawigan.
Noong 2014 pa pinasimulan ang proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership program ng pamahalaan.
Ipinaliwanag rin ng DOTr na simula ngayon ay magiging mga moderno na ang itatayong transport hub sa ilalim ng PPP program ng gobyerno.
Ang unang palapag ng PITX ay nakalaan para sa mga jeepney, bus at taxi samantalang ang ikalawang palapag naman ay magsisilbing arrival bay para sa mga provincial buses.
Ang ikatlong palapag ng tranport terminal ay magsisilbing AUV bay, parking area at may provision para sa LRT extension sa hinaharap.
Bukod sa pagiging transport terminal, ang PITX at mayroon ring shopping complex at wellness center para sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.