Base sa inilabas na appointment paper ni Pangulong Rodrigo Duterte noong October 23, special envoy si Dureza simula pa noong July at matatapos ang termino sa December, 2018.
Itinalaga rin ng pangulo si Ramon Tulfo bilang special envoy for public diplomacy sa China.
Mayroong anim na buwan na termino si Tulfo na isa sa mga kolumnista ng Philippine Daily Inquirer at Inquirer Bandera.
Itinalaga rin ng pangulo si PTV-4 news operatons chief Raquel “Rocky” Tobias bilang undersecretary ng Philippine Communications Operations Office (PCOO).
MOST READ
LATEST STORIES