Sotto: Jimmy Guban mananatili sa custody ng Senado

By Jan Escosio October 25, 2018 - 02:46 PM

Inquirer file photo

Hindi papayagan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kunin ng Philippine National Police sa kanilang pangangalaga ng walang warrant of arrest si Customs intelligence officer Jimmy Guban.

Sinabi ni Sotto na inatasan na niya ang kanilang Office of the Sergeant-at-Arms na bantayan si Guban na ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kahapon, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PNP ang pag-aresto kay Guban habang tumatayo itong resource person sa pagdinig sa Kamara ukol sa P6.8 Billion shabu smuggling sa Cavite.

Ngunit sinabi ni Sotto ang desisyon para mapunta sa kustodiya ng PNP si Guban ay nakadepende kay Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa blue ribbon committee.

Si Gordon ang nag-utos na makulong sa Senado si Guban dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng komite sa naturang iskandalo noong Setyembre 11.

TAGS: Blue Ribbon, customs, drugs, Gordon, jimmy guban, Senate, Sotto, Blue Ribbon, customs, drugs, Gordon, jimmy guban, Senate, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.