Nilagdaan ng pangulo ang appoinment paper ni Tulfo noong October 23 para sa anim na buwang termino.
Nauna dito ay sinabi ni Tulfo na inalok siya ng pangulo na tumakbo bilang senador sa susunod na halalan dahil sa magandang posisyon niya sa mga survey.
Pero tinanggihan ito ni Tulfo at sinabi ng mas gusto niyang maglingkod bilang special envoy sa China.
Pangunahin sa mga tututukan ni Tulfo sa kanyang bagong assignment sa pamahalaan ay ang paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
Gusto niyang tutukan ang paghahatid sa mga lalawigan ng makabagong paraan ng agrikultura sa tulong ng China.
Minsan na ring sinabi ni Tulfo na Piso kada taon lamang ang tatanggapin niyang benepisyo sa nasabing posisyon sa gobyerno.