Mariah Carey, dumating na sa Pilipinas

By Jimmy Tamayo October 25, 2018 - 02:19 PM

Photo courtesy: Mariah Carey’s Instagram account

Dumating na sa bansa ang Pop Diva na si Mariah Carey para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum sa Biyernes, October 26.

Dakong 3:00, Huwebes ng madaling-araw nang dumating ang international singer sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng isang private plane mula sa Shanghai, China.

Sa kaniyang pagdating sa bansa, sinabi nito na excited na siyang mag-perform sa kanyang mga Filipino fans.

Kasama ni Carey ang kambal na anak na sina Moroccan at Monroe at ang boyfriend nitong si Bryan Tanaka.

TAGS: concert, Mariah Carey, NAIA, concert, Mariah Carey, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.