Lamang shabu ng magnetic lifters na nakalusot sa Customs nasa 11 bilyon at hindi mahigit 6 bilyon ayon sa PDEA

By Jong Manlapaz October 25, 2018 - 01:40 PM

Pinalitan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang halaga ng nakalusot na shabu na nakalagay sa magnetic lifters na natagpuan sa GMA, Cavite

Ayon kay PDEA Dir. Gen Aaron Aquino, muli nilang pinatimbang ang magnetic lifters na pinaglagyanng kilo-kilo ng shabu.

Muli nilang inilagay sa cotainer van ang magnetic lifter na may kaparehong bigat ng unang pinaglagyan at sinasakay naman nila ang container van sa orihinal na truck na naglabas sa port area ng magnetic lifters saka muli nila itong tinimbang sa tanggapan ng DPWH sa Calamba Laguna.

Dito natuklasan na mahigit sa 1,618 kilo ang nawawala ng kinumpara nila ang unang timbang na umano’y may laman pang shabu ang magnetic lifters kumpara sa wala ng laman.

Hinala ni Aquino, ito ang bigat ng halaga ng bawal na gamot na nailusot, na kung susumahin ay aabot sa mahigit 11 bilyon piso na halaga ng shabu, taliwas sa unang kwenta nila na 6.8 bilyon piso.

TAGS: 618 kilo, BOC, magnetic lifters, mahigit 11 bilyon piso, mahigit sa 1, PDEA, PDEA Dir. Gen Aaron Aquino, 618 kilo, BOC, magnetic lifters, mahigit 11 bilyon piso, mahigit sa 1, PDEA, PDEA Dir. Gen Aaron Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.