Customs commissioner Isidro Lapeña, hindi magbibitiw sa pwesto

Walang balak si Customs commissioner Isidro Lapeña na magbitiw sa puwesto.

Ito ay kahit na nakalusot sa bansa ang 6.8 bilyong pisong halaga ng shabu shipment.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Lapeña na itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto para tuparin ang misyon na labanan ang smuggling at pataasin ang revenue collection ng bansa.

Ayon kay Lapeña, hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil malaking trabaho pa ang kanyang susunugin.

Kasabay nito, nangako si Lapeña na hindi na siya makikipag-turuan kay PDEA Director General Aaron Aquino kaugnay sa shabu shipment.

Ayon kay Lapeña, mahigpit na ang gagawing pakikipag-ugnayan ng kanilang hanay sa PDEA para hindi na maulit ang naturang insidente.

Read more...