Sa naturang simulation, nakibahagi ang mga miyembro ng PNP, AFP, Coast Guard, BFP at local authorities.
Sa simulation, may naganap na bomb scenario, hostage-taking, rescue operations at iba pa.
May huey rescue helicopter ng Philippine Airforce ang nagpakita ng search and rescue operations, may speed at rubbers boats din mula sa Coast Guard ang naroroon at nagpamalas din.
Makatotohanan ang mga eksena, na nagpapakita ng mga posibleng mangyari sa panahon ng paghahasik ng terorismo o kahit ano pang sitwasyon na nasa alanganin ang mga tao.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde na layon na simulation na ipakita sa lahat na handa ang pamahalaan sa pagtugon sa anumang banta ng terorismo o emergency situation sa Boracay.
Ngayong araw, kapansin-pansin din na dumami ang mga pulis at sundalo na nagbabantay sa iba’t ibang lugar sa Boracay.
Ito ang mahalaga, ani Albayalde, para sa seguridad ng mga residente at mga bisitang nasa isla at mga darating pa kapag nagreopen na ang Boracay.